ELECTION WATCH: Aga Muhlach achieves two legal victories in a week: ?Hindi dapat ako mawalan ng focus because isang tao lang naman ang gumugulo sa akin."
Dalawang masayang balita ang ibinahagi ni Aga Muhlach sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media kaninang tanghali, January 21, sa Annabel?s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Una ay ang Temporary Restraining Order (TRO) na inisyu ng Court of Appeals kunsaan inatasan nito ang Election Registration Board (ERB) ng San Jose, Camarines Sur ?to reinstate and reactivate? ang pangalan ni Aga at ng asawa nitong si Charlene Gonzalez sa listahan ng mga botante sa Precint 10A ng nasabing bayan, kung saan tumatakbo ang aktor bilang congressman sa ikaapat na distrito.
Pangalawang ipinagbubunyi ni Aga ay ang unanimous decision ng Commission on Elections (COMELEC) na nagsasabing siya ay natural born Filipino citizen at kuwalipikadong tumakbo sa May 2013 elections.
?Masayang-masaya lang ako dahil sunud-sunod yung mga pangyayari,? masayang bungad ni Aga.
?Like yung TRO na nakuha namin ano? isa na yun. Isa nang malaking panalo.
"Kasi may sinasabi sa akin... may nagsasabi sa akin kaninang umaga... kasi pupunta nga ako ng COMELEC, isn?t it too early daw for me to celebrate?
?Ang sabi ko naman, ?E, gano?n talaga ako. I?m always positive about all these things coming my way.
?And so, kahit anong pangontra ang gawin sa ?kin ng mga katunggali ko, parang I look at the positive side of it, ano.
?Cause I know for a fact that nung pinasok ko 'to? tulad ng parati kong sinasabi, I made sure that nasa tamang daan lahat ng ginagawa ko.
?Kaya?t naniniwala ko na kahit na anong pagbabaluktot ang gawin nila? kahit na anong pagpulitika ang gawin nila, e, naniniwala pa rin ako na pag tuwid ang daan mo, hindi ka puwedeng maligaw pag diretso lang ang daan mo.
?Sabi nga nila, maraming mag-a-attempt para guluhin ang pagkakandidato ko.
"Tuluy-tuloy lang ako. Naniniwala ako na sa dulo, maaayos lahat ito.
?So I?m really happy also. I?m also excited because pati ang aking mga kadistrito are? lahat masayang-masaya ano."
Pagpapatuloy pa niya, ?Kasi at some point, medyo madami ang naghinaan ng loob.
"At sinasabi ko nga sa kanila, ?Huwag kayong mag-alala kasi pinasok ko ?to, alam ko tama lahat ?to. Diretso lahat 'to.?
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.